Sa loob ng tatlong buwan, madami na tayong napag samahan; mga gulo, problema na sumubok sa atin, mga tawanan at kasiyahang hindi malilimutan, mga luhang pumatak ng lingid sa kaalaman ng nakararami.
Sino ang makalilimot sa unang bonding moment natin? Dun una ko nakita ang iyong kakulitan at pagiging masayahin mga katangiang nagpapasaya sakin.
Ilang pinggan na ba ng pagkain ang ating pinataob? halos hindi ko mabilang, halos hindi ko matandaan.
Sa tuwing nakikita ko ang mga picture natin, ako ay napapangiti. Nakakatuwang isipin na sa konting panahon, madaming pangyayari ang hindi ko malilimutan. Mga ngiting mistulang walang katapusan.
Subalit lahat talaga siguro may katapusan. Lahat may pagtatapos, minsan maganda minsan hindi. Nagising na lang ako isang araw, ibang tao ka na. Hindi na ang dating mahal ko ilang buwan na ang nakalilipas.
Ang dati mo mga ngiti ngayo'y napalitan ng galit. Ang dati mong malambing na tinig ngayo'y napalitan ng poot. Hindi ko alam ang sa iyo ay nangyari? Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ikaw ay tuluyang nagbago?
Sinikap kong ikaw ay unawain. Nagbingi bingihan sa tuwing ikaw ay nagagalit. Pinalampas ang bawat sandaling ako'y iyong nasasaktan hindi sa pisikal na paraan kundi emosyonal.
Mahal ko nasaan ka na ngayon? Tuluyan mo na bang tatalikuran ang pagmamahalan matagal nating iniingatan...
Sunday, July 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment